Life, Jokes, Travels, Foods, etc.

it's all about my life, travels, adventures, etc.

Wednesday, April 02, 2008

Joke of the Day - Mabuting paraan ng paghahahatid ng masamang balita

KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw (California
timezone)....galing sa Pilipinas ang tawag...

"Hello, Sir Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung katiwala
po ninyo sa bahay-bakasyunan sa Baguio." Kamusta na po
d'yan sa Amerika?

"O, Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka, aba 'eh
madaling araw dito?
Bakit may problema ba?

"E, napatawag lang po ako para sabihan kayo na namatay
ang alaga ninyong parrot."

"Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?

"Opo, Sir Carlos, 'yun na nga po."

"Putris ... aba'y sayang! Ang laki pa naman ng
nagastos ko sa ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano 
nga ba ang ikinamatay niya?"

"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."

"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"

"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."

"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Arnaldo?"

"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila 
ng kariton ng tubig."

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg? "

" Yun pong pinampatay namin ng sunog."

"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"

"Yun pong halos tumupok sa bahay-bakasyunan
niyo....Tumumba po kasi 'yung isang nakasinding 
kandila, tapos ayon nagliyab 'yung kurtina at
mabilis na kumalat ang apoy...."

"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan. Para saan 'yung kandila?"

"Para sa burol po."

"Ano???? Kaninong burol?

"Kay Alex, sa anak n'yo po. Eh Sir ! Bigla po kasi
siya dumating dito nu'ng isang gabi, lasing at walang 
kaabi-abiso...lampas hatinggabi na kaya ang akala ko 
po magnanakaw.. .binaril ko!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home